42

Jan 4, 2022 @ 16:23
By

Fan girl ‘yan? Alexa kinilig kay Mairan

Hindi maiwasang maging fan girl ni Alexa Ilacad sa batikang aktres na si Marian Rivera.

Ito ay matapos na i-like ni Marian ang larawan ni Alexa sa Instagram.

Ibinahagi ng fan ni Alexa ang isang screenshot ng mga artistang naglike sa post ng aktres. Dito na nga nila nakita na ni-like rin ni Marian ang post ni Alexa.

“omg marian rivera liked one of your ig post! i know your kilig, @alexailacad!! 🀍✨ happy new year to you!” saad ng fan sa Twitter.

“OHMYGOD!! 😭🀍😭🀍😭🀍 my heaaaaaart! Kiliiiiiiiiig!” sagot naman ng aktres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?