112

Mar 30, 2019 @ 16:50
By

Fan, 2-taong ban sa Celtics games dahil kay Cousins

Nagdesisyon ang pamunuan ng Celtics na pagbawalan na makanood ng mga laro nila sa loob ng dalawang taon ang isang fan matapos ang pang-iinsulto kay DeMarcus Cousins ng Golden State Warriors.

Ini-report ni Cousins ang fan dahil sa racially offensive language nito sa kanya.

Matapos matanggap ang reklamo ay agad pinalabas ng court ang menor de edad na fan.

Sumunod na araw ay inimbestigahan ang insidente at matapos nito ay napatunayang “verbally abusive” ang ginawa ng naturang fan kay Cousins.

Dahil dito pinatawan ito ng two-year ban sa lahat ng Celtics games at ito’y subject to lifetime probation.

May parusa kasing lifetime ban ang sinumang mag-uusal ng masasamang salita laban sa sinumang player, empleyado o fan sa Celtics home game.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?