151

Nov 29, 2019 @ 10:41

FamilyDOC may libreng bakuna sa polio

In-accredit ang retail clinic chain FamilyDOC ng Department of Health (DOH) upang mamahagi ng libreng oral polio vaccine sa mga batang edad 5 pababa.

Sa ilalim ng DOH campaign na “Sabayang Patak Kontra Polio,” pwedeng magpabakuna mula alas-siyete ng umaga hanggang alas-nuwebe ng gabi, mula Nobyembre 25 hanggang Disyembre 7, 2019.

May branch ng FamilyDOC sa mga lungsod ng Las Piñas, Parañaque, Taguig, Pasig, Manila, Marikina, Caloocan, at Pateros.

Bukod dito, makatatanggap din umano ang mga pasyente ng libreng konsultasyon sa doktor, ayon kay FamilyDOC General Manager Paul Darroca.

Ang FamilyDOC ay miyembro ng Ayala Healthcare Holdings, Inc.

Para sa kumpletong listahan ng iba pang clinic na kabahagi sa polio vaccination campaign ng DOH, bisitahin lamang ang Facebook page na FamilyDOCPh, o tumawag sa 8754-3131 at 0917-823-4716.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?