23

Nov 30, 2020 @ 22:41
By

Family reunion bawal ngayong Christmas season – Año

Maikokonsiderang mass gathering ang pagsasama-sama ng pamilya kaya hindi ito papayagan ngayong Christmas season, ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.

“Katulad po ng plano na hindi papayagan ang Christmas party, Christmas caroling, walang mass gathering, ‘yung family reunion ay considered na mass gathering,” wika ni Año sa televised briefing nitong Lunes ng gabi.

“Katulad ng sabi ni Secretary Duque, ‘yung immediate family na lang po sana ang mag-celebrate ng Christmas together at ‘yung minimum health standards ay ipatutupad,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?