241

Dec 19, 2017 @ 16:05
By

‘Family is importanter!’ – Vic Sotto

Marami raw maisi-share na values sina Vic Sotto at Dawn Zuleta sa movie para sa mag-asawang may problema sa pagsasama to the point na gusto nang maghiwalay.

“Hindi naman aral kasi hindi naman kami, we’re not there para mag-preach. We’re there to entertain and at the same time, hopefully, may mapupulot silang aral to save the relationship and at the same time, saving the family, keeping the family intact.

“Kasi normal lang naman ‘yung nag-aaway, nagkakahiwalay. Normal lang naman ‘yung differences ng mag-asawa. But if you read between the lines, ano ang tawag dito? Parating uunahin mo ‘yung pamilya. Family first.

“Sabi ko nga sa trailer, work is important, but family is importanter!” paliwanag ni Bossing.

Abala man sa preparasyon ngayong Pasko dahil sa MTB, masasabing lucky charm ang anak nila ni Poleng na si Baby Talitha dahil muling napamasa sa MMFF si Vic after one year.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?