183

Jul 16, 2019 @ 19:17
By

‘Falcon’ lumakas bilang tropical storm

Lumakas na bilang tropical storm ang Tropical Depression Falcon nitong Martes, ayon sa PAGASA.

Huli itong namataan sa 335 kilometro east southeast ng Tuguegarao City, Cagayan.

May lakas ng hangin ang bagyong Falcon na 65 kilometro kada oras at pagbugsong 80 kph.

Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes, ibang bahagi ng Cagayan, northern portion ng Ilocos Norte, northern portion ng Abra, Apayao, Kalinga, Isabela, eastern portion ng Mt. Province at eastern portion ng Ifugao.

Samantala, Signal No. 2 naman sa northeastern portion ng Cagayan kabilang na ang Babuyan Group of Islands.

Posible namang itaas din ang Signal No. 1 sa northern portions ng Aurora, Quirino at Nueva Vizcaya maging sa ibang parte ng Abra, Mt. Province at Ifugao.

Makararanas ng bahagya hanggang sa malakas na pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Nueva Ecija, Aurora, Zambales, Occidental Mindoro, northern Palawan, Aklan, Antique, Capiz, Iloilo at Guimaras.

Mararamdaman naman sa Metro Manila, Calabarzon, Bicol Region at iba pang bahagi ng Visayas, Central Luzon at Mimaropa ang mahina hanggang sa bahagyang pag-uulan na kung minsan ay malakas na ulan.

Inaasahang magla-landfall ang bagyong Falcon sa Babuyan-Batanes Islands area Miyerkoles ng gabi at inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility sa Biyernes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?