17,716
Fake scandal ng FEU volleybelle, 'wag ikalat - mga fan
By

Fake scandal ng FEU volleybelle, ‘wag ikalat – mga fan

Nag-viral ang isang manlalaro ng Far Eastern University Lady Tamaraws matapos idikit ang kanyang pangalan sa isang kumakalat na sex scandal ng isang babae.

Nasangkot ang player na si Carly Hernandez, na sinasabing laman ng nasa video ngunit dinepensa naman ng mga netizen na sinabing malayo ang mukha ng babae sa naturang video.

Maging ang kapatid ng volleyball player ay nagsalita na. Ayon kay Joshua Matthew Hernandez, sinabing grabe ang pinagdadaanan ng kanyang kapatid ngayon dahil sa fake news na ikinakalat ng ilang mga netizen.

Respetuhin din aniya sana ng mga tao ang kababaihan dahil sa laki ng impact ng ipinapakalat na scandal sa mga biktima nito.

“Madaling sabihin na wag pansinin at wag patulan pero kung alam nyo lang ung pinagdadaanang hirap ng kapatid ko para lang malagpasan to. Alam ko na matatapos din to at lilipas. Patuloy kami magdadasal na wag sana mangyari sa mga babae sa buhay nyo at wag na nila pag daanan kung anu man ang nangyayari sa kapatid ko ngayon,” ayon kay Joshua.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?