13

Feb 23, 2021 @ 18:08
By

‘Fake news’ salarin bakit maraming takot sa COVID-19 vaccine sa bansa

Tinuturong dahilan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagpapakalat ng fake news kung bakit maraming Pilipino ang takot mabakunahan kontra COVID-19.

“Napakalaki ng ating challenge dito sa tinatawag na vaccine hesitancy,” wika ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya sa panayam ng CNN.

“There is vaccine hesitancy primarily because maraming fake news or misinformation na nagkalat. At nakakalungkot na yung iba ay sadya,” pagpapatuloy niya.

Kaugnay ito sa resulta ng Pulse Asia survey na nagpapakita na halos 47% ng Pilipino ay ayaw magpaturok ng COVID-19 vaccine dahil umano sa mga “safety concern.”

“Meron po talagang orchestrated campaign to sow confusion. Ang ginagawa natin ay we are fighting this disinformation with facts,” wika ni Malaya.

Una nang sinabi ng Task Force COVID-19 Adverse Effects na wala pa namang nasawi dahil matapos mabakunahan kontra COVID-19.

Magugunitang noong unang linggo ng Pebrero nang pinaigting ng pamahalaan ang mga information drive hinggil sa COVID-19 vaccine upang mahikayat ang mga Pilipino na magpabakuna.

“We want to deliver to them the message that the vaccination program can save lives, revive hopes, and shape our collective future as a nation,” wika ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar. (VAPA)

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/47-ng-mga-pilipino-ayaw-mabakunahan-survey/

Mga Pinoy kulang sa impormasyon kaya takot pabakuna – Andanar

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?