35

Oct 29, 2017 @ 16:57

Fake news sa investments, pinalagan ni Sec. Dominguez

Nilinaw ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang mga puna kaugnay sa pagbaba ng foreign direct investments (FDIs).

Ipinunto ni Dominguez ang bagong $2.3 bilyong pamumuhunan ng dalawang kumpaniya sa sektor ng paggawa at enerhiya sa bansa.

Aniya, wala naman maipakita ang mga kritiko ng konkretong pruweba gayundin ang pagbalewala sa ‘reinvestments.’

 “These does not capture the entire data, and reinvestments by foreign companies in the Philippines have actually been quite healthy,” ani Dominguez.

Binanggit nito ang $1 bilyon puhunan ng Japan Tobacco Intl., na binili ang Mighty Corp., at ang $1.3 bilyon halaga ng kasunduan sa pagitan ng Energy Development Corp. at mga investors ng Macquarie Infrastructure and Real Assets (MIRA) at Arran Investment Pte. Ltd.

Iginiit pa ni Dominguez sa katunayan ay tumibay pa ang kumpiyansa ng mga foreign investors sa bansa bunsod ng mga infrastructure projects ng administrasyon, tax reforms at pagbawas sa Foreign Negative Investment List (FNIL). (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?