36

By

Fake news sa coronavirus huwag ikalat – Hontiveros

Umapela si Senadora Risa Hontiveros sa publiko na huwag ipakalat ang hindi pa beripikadong balita tungkol sa kaso ng 5-taong gulang na bata mula sa Wuhan, China na sinasabing nadiskubreng may flu-like symptoms sa Cebu City.

Sabi ni Hontiveros, hindi pa naman ‘verified’ ang nasabing report kaya mainam na muna itong i-share sa social media.

“Health authorities are still verifying if this is the same as the 2019 Novel Coronavirus (2019-nCoV),” sabi ni Hontiveros sa isang statement.

Ang 2019-nCoV ay kamag-anak ng SARS virus na nakahawa na ng daa-daang katao sapul nang pumutok ito sa Wuhan, China noong Disyembre.

“In the meantime, I’d like to emphasize that sowing panic will be detrimental to public health,” diin ni Hontiveros.

“We need correct information to get to the people. Kaya huwag tayong magpakalat ng fake news. I-check muna natin kung verified ang source bago natin ito i-share online,” dagdag pa nito.

Kumpiyansa naman ito na ginagawa ng Department of Health at Bureau of Quarantine ang lahat para maprotektahan ang kalusugan ng publiko.

“But I ask our authorities to heighten preparation for the influx of more travelers from China due to the Lunar New Year on Saturday,” sabi pa ni Hontiveros

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?