106

By

Fake news, pinopondohan ng Duterte admin?

Sharing is caring!

Naalarma si Magdalo partylist Rep. Gary Alejano sa ulat ng Freedom House, isang US-based human rights watchdog na kumuha umano ang gobyerno ng Pilipinas ng “keyboard army” na sumusuporta sa kampanya ng administrasyong Duterte kontra iligal na droga at umaatake sa mga kritiko.

Katuwiran ni Alejano, kung totoo ang ulat, ibig sabihin ay sinasadyang lokohin ng gobyerno ang mga tao at pinagtatakpan ang totoong sitwasyon ng war on drugs.

Ang mas matindi pa anya dito ay pinopondohan ng pamahalaan ang pagpapakalat ng fake news.

“The salt on the wound is, these are government funds being used for the proliferation of fake news and propaganda in social media. Funds that could instead be used for various social development projects,” ayon kay Alejano.

Sa report ng Freedom House na pinamagatang, “Freedom of the Net 2017: Manipulating Social Media to Undermine Democracy,” sinasabing binabayaran ang mga commenters, trolls, automated accounts, fake news sites, at propaganda outlets para palabasing malawak ang suporta ng publiko sa giyera kontra droga.

Iginiit ni Alejano na dapat transparent ang administrasyon kung paanong ginagastos ang pondo para sa komunikasyon.

Nanawagan ang kongresista sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para i-verify ang reports.

Hinimok rin nito ang Kongreso na imbestigahan ang isyu. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?