149

Aug 5, 2021 @ 23:14
By

Fake news ng Mocha Uson Blog pinalagan ng Manila gov’t

Tinawag ng Manila Public Information Office (MPIO) na “fake news” ang larawan na ibinahagi ng Mocha Uson Blog Facebook page kung saan makikita ang umpukan ng mga tao sa labas ng isang mall.

Sa advisory, sinabi ng MPIO na ang naturang mall ay matatagpuan sa Antipolo, Rizal at hindi sa Maynila.

“FAKE NEWS ALERT: Ang mall na nasa litrato ay hindi matatagpuan sa Lungsod ng Maynila. Paki-report po bilang “fake news” ang naturang post. Maraming salamat po,” saad sa FB post ng MPIO.

Burado na ang naturang post ng Mocha Uson Blog, na nilagyan ng caption na: “YORME. Sa Maynila ganito kami, sa 2022 buong Pilipinas na rin sana.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?