36

Nov 13, 2020 @ 16:28
By

Fajardo tumulong sa mga biktima ng bagyo

Kapuri-puri ang pinakitang pagtulong ni six-time Philippine Basketball Association (PBA) MVP June Mar Fajardo ng San Miguel Beer nang magpaabot ng P500 bawat isa sa may 20 katao na mga biktima ni super typhoon Ulysses nitong Huwebes sa pamamagitan ng social media.

“Magandang gabi po sa inyong lahat, alam ko po mahirap iyong pinagdadaanan ng iba nating kababayan na nasalanta ng bagyo kaya gusto ko po makatulong kahit konti. Magbibigay po ako ng P500 ngayong gabi sa 20 random katao na nasalanta ng bagyo. Ang kelangan ko lang po ay picture na magpapatunay na apektado talaga sila sa bagyo at Gcash account. ‘Di ko alam kung pwede maka-send ng picture dito sa Facebook page pero pwede kayo mags-end ng picture sa Instagram ko @saginghilaw15 .Ingat po tayong lahat!,” litanya ng 30-year-old, 6-foot-10 slotman ng Beermen.

Agad namang pinasalamatan ang baskletbolista ng isang RJ (@Master_Raffy) na nakatanggap agad ng ayuda at pinasalamatan si Fajardo.

“Maraming salamat JMF. Malaking tulong na po ‘yung P500 na binigay mo para sa pagpapagawa ng bubong ng lola ko,” tweet niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?