5

By

Fajardo, Slaugther babandera sa All-Star

Sharing is caring!

Island-hopping muli ang 30th All-Star Games 2018 ng PBA ngayong taon, tulad noong 2017 darayo sa Luzon, Visayas at Mindanao mula Mayo 23-27.

Ibig sabihin ay tatlong legs muli ang midseason extravaganza, tulad ng tagumpay na edisyon nito last year nang harapin ng Gilas Pilipinas ang tatlong All-Star teams ng PBA na pinangunahan ng players mula sa tatlong pinakamalalaking isla ng bansa.

Sa February 16 uumpisahan ang fan voting para sa annual PBA All-Star spectacle. Inaasahang dodomina sa botohan sina June Mar Fajardo, Greg Slaughter at Paul Lee.

Sabay magbubukas ang online at sa iba’t ibang playing venues ang botohan para makuha ang players na lalaro sa annual event.

Pansamantalang ititigil ang botohan pagkatapos ng semifinals ng Philippine Cup, pero ilalarga ulit hanggang first week ng eliminations ng susunod na Commissioner’s Cup.

Noong 2017, nauwi sa deadlock ang laro ng Gilas at Mindanao All-Stars bago kinubra ang panalo kontra Luzon at Visayas All-Stars. Bahagi iyon ng paghahanda ng Nationals sa 12th SEABA Men’s Championship sa bansa noong Mayo at 29th FIBA Asia Cup sa lebanon nung Agosto.

Ikina lahat ang side events ng slam dunk, three-point shootout at obstacle challenge sa Luzon leg noong nakaraang taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?