140
Fajardo, Slaughter kampi ulit sa PBA All Star Game
By

Fajardo, Slaughter kampi ulit sa PBA All Star Game

Taas laban sa bilis.

Ganito ang senaryo sa paparating na 2019 PBA All-Star Game sa paghahaap ng maliliksing North team laban naman sa mga nagtataasang South squad sa Marso 31 sa Calasiao, Pangasinan.

Muling mambabarako ang mga higanteng sina June Mar Fajardo at Greg Slaughter, katuwang sina James Yap, Scottie Thompson at Mark Barroca para sa Team South.

Tatapatan naman sila ng North All-Stars starters na sina LA Tenorio, Paul Lee, Calvin Abueva, Marcio Lassiter at big man Japeth Aguilar.

Inilabas ng PBA ang starting lineup ng dalawang koponan makalipas ang isang-buwan fan voting.

Ibinabalik ng liga ang dating format kung saan ang buong All Star Weekend ay gagawin na lamang sa isang venue.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?