80

By

Fajardo sabik nang makakampi si Slaughter

Kung papalaring maging malusog ang dalawang higante ng Team Pilipinas, magiging magkakampi sa unang pagkakataon sina San Miguel center June Mar Fajardo at Ginebra slot man Greg Slaughter.

At hindi na makapaghintay ang four-time MVP na si June Mar Fajardo na makakampi ang 7-footer.

“Sobrang lalaki ano? Siyempre naeexcite. Naeexcite na makasama sila lalo na si Greg. Ilang years na kaming nagkakalaban ni Greg and ngayon magkakasama na kami sa international pa so looking forward.” saad ng four-time PBA MVP na nakalaban si Slaughter sa Cesafi.

Masaya rin aniya si Fajardo na mapasama sa ‘best pool’ na nabuo para sa Gilas, ayon sa pioneer coach ng programa na si Rajko Toroman.

“Siyempre masaya ako na part ako ng strongest team diba? Sana maipanalo natin yung dalawang games natin dito kasi malaking malaking bagay yun para sa atin na naglalaro tayo homecourt kasi yung home crowd yun yung magpapaboost ng kumpiyansa sa team so sana makuha natin,” pakli ni Fajardo.

Isa rin sa inaabangan ni Fajardo ay ang ma-coach ng isa sa pinakamagaling na coach sa PBA, si NLEX mentor Yeng Guiao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?