85

By

Fajardo, Pringle pinahinga ni Cone

Ayaw pahiyain ni coach Tim Cone ang Myanmar, kaya ‘di niya pinatodo ang Gilas Pilipinas sa preliminary match nila sa SEA Games men’s basketball sa MOA Arena.

Kahit tambakan pa rin ang resultang 136-67 win ng Pilipinos, gusto pa aniya nilang matulungan ang basketball program ng bansang ‘di naman talaga kilala sa laro.

“We want Myanmar to keep coming back, and keep wanting to play,” ani Cone. “Keep wanting to improve their basketball program. We don’t want to discourage them.”

Biyaheng semis ang Pilipinas, haharapin ang Indonesia ni Rajko Toroman ngayon, Lunes sa parehong venue.

‘Di na ipinasok ni Cone sina June Mar Fajardo at Stanley Pringle, pero nag-click naman ang outside shooting nina Matthew Wright at Marcio Lassiter na 13 of 39 combined sa labas ng arc.

Nakadikit pa ang Myanmar 34-30 sa bukana ng second quarter, pero nang mag-init sina Lassiter at Wright ay na-outscore ng mga Pinoy ang Burmese 45-12 sa period tungo sa dambuhala nang 77-36 lead sa break.

“No one likes to be embarrassed, no one likes to be humiliated,” dagdag ni Cone. “We just tried to be respectful and try to continue to play the game hard, create good habits going to the next. Not try to run up the score.”

Mahirap ding balansehin ang respeto sa laro at sa kalaban sa isang banda, at ang tuloy na focus sa laro sa kabila nang hindi ipinapahiya ang katapat.

Overall ay 55 of 97 mula sa field at 17 of 45 sa 3-point range ang Nationals. Ang Myanmar ay 30 of 80 at 7 for 29.

Walang Fajardo sa loob, dinomina pa rin ng PH quintet ang boards 62-31. (VE)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?