36

Mar 27, 2020 @ 21:32
By

Fajardo, Pingris kumasa sa DOTA 2 ‘Lockdown Games’ para sa mga frontliner

Upang makalikom ng pondo para sa mga medical frontliners, nagkasa ng ‘Lockdown Games’ ang esports company Mineski Global na sinalihan ng ilang PBA star tulad nina six-time MVP June Mar Fajardo at Marc Pingris.

Sa tournament na nagsimula noong Marso 24 at magtatapos sa Abril, ibibigay ang malilikom na donasyon sa UP Medical Foundation.

Pero hindi lang sina Farjardo at Pingris ang pasok sa palarong ito, makakasama din nila sa a DOTA 2 showmatch sina Japeth Aguilar at Kiefer Ravena.

Sa ngayon, nakalikom na ang proyekto ng P250,000.

Sinabi naman ni dating Gilas coach Chot Reyes, na ngayon ay esports president ng Philippine Collegiate Championships League, na magdadala pa ito ng iba pang sports personality para matulungan ang adbokasiya ng kompanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?