68
june-mar-fajardo
By

Fajardo ‘no show’ sa unang Gilas practice

Sa unang pagkakataon, nagsama-sama ang Gilas Pilipinas pool para sa Southeast Asian Games sa Disyembre.

Maliban kay June Mar Fajardo, duamting lahat sa Meralco Gym ang 14 pang miyembro ng pool sa unang patawag ng praktis ni coach Tim Cone Lunes ng gabi.

Dumating ang anim na Ginebra players ni Cone na sina Japeth Aguilar, Art dela Cruz, Stanley Pringle, Greg Slaughter, LA Tenorio at Scottie Thompson.

Mula sa San Miguel ay sina Chris Ross, Marcio Lassiter at Christian Standhardinger, sina Jayson Castro, RR Pogoy at Troy Rosario ng TNT, Vic Manuel ng Alaska at si Matthew Wright ng Phoenix.

Nang binubuo ng Gilas pool ni coach Yeng Guiao para sa FIBA World Cup ay nagpasabi si Castro na hindi muna siya magseserbisyo sa national team.

Bagong kasal siya noon.

Hindi niya napahindian ang tawag ni Cone.

Dumating din ang staff ni Cone sa Ginebra, nakasuot pa ng kanilang red team shirts.

Naroon din sina Jimmy Alapag at Jong Uichico, kinuhang assistants ni Cone.

Kinausap muna ni Cone ang buong team at staff, pagkatapos ay isinara na sa media ang pinto gym.

Closed door ang unang ensayo ng Gilas Pilipinas na tumagal din ng dalawang oras.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?