104

By

Fajardo kasado na sa Final 12 ng Team Pilipinas

Hindi na papakawalan ng PH national team ang four-time PBA MVP na si June Mar Fajardo.

Ayon kay Team Pilipinas head coach Yeng Guiao, sigurado na sa 12-man lineup ng national team si Fajardo, na lalaban sa fifth window ng 2019 Fiba World Cup Asian qualifiers.

Matatandaan na nabakante ang San Miguel Beermen center sa knailang naging laban sa fourth window kontra Qatar kung saan nagwagi ang ‘Pinas, 92-81, at nakamit ang 81-73 pagkasawi kontra Iran.

Posibleng makasama ni Fajardo bilang tagamanman sa shaded lane sina naturalized player Christian Standhardinger, Greg Slaughter, Arwind Santos, Troy Rosario, Japeth Aguilar, JP Erram, Beau Belga at pinakabatang manlalaro sa pool na si Kai Sotto.

Isa pa sa sigurado na sa lineup ay si TNT guard Jayson Castro na matagal nang nagsilbi para sa bayan.

Pahapyaw ni Guiao, 6 ang mukhang pasok na sa final lineup, kalahati sa kailangan para sa full team composition.

Haharapin ng Team Pilipinas ang Kazakhstan sa Nobyembre 30 at Iran sa Disyembre 3, parehong sa Mall of Asia Arena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?