34

Oct 21, 2021 @ 21:50
By

Fajardo inalala ang ina

Natapos na ang karera ng San Miguel Beer sa 46th Philippine Basketball Association 2021 Philippine Cup semi-bubble sa Don Honorio Ventura State University gymnasium sa Bacolod, Pampanga.

Hindi umabot sa finals si SMB coach Leovino ‘Leo’ Austria at Beermen. Tumiklop sa TNT sa knockout Game 7 semis.

Uwian na ang Beermen sa kani-kanyang lugar.

Pero ibang homecoming ang sumalubong kay six-time Most Valuable Player June Mar Fajardo sa Cebu, ang kanyang ina.

Agosto nang pumanaw ang nanay ng basketbolista na ikinagulat ng lahat maging ng kanyang teammates.

Ibinahagi Huwebes ni Fajardo sa kanyang social media account ang urna ng kanyang mama na napapaligiran ng mga larawan.

“Not the kind of homecoming we want but it is what it is! We know you’re in a better place now Mama. No more stress, pain and suffering just peace. I love you and miss you forever! ‘Til we meet again Mama!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?