42
views

By

Fajardo ganado, alas ng Gilas

Sharing is caring!

Nagsilbing alas ng Gilas Pilipinas kontra Chinese-Taipei ang 4-time PBA MVP na si June Mar Fajardo sa kanilang bakbakan sa 2019 FIBA World Cup qualifiers Biyernes ng gabi.

Nakapagtala siya ng 22 points at naging katuwang ni Jayson Castro sa pagpapatumba sa Chinese-Taipei 93-71 sa Taipei Heping Basketball Gymnasium.

“June Mar has every right to start but for him it doesn’t matter. He just comes in and does his job, it doesn’t matter how many minutes he gets,” sabi ni coach Chot Reyes.

Nagpakitang gilas rin sa Kraken sa ilalim nang pinagtuunan ng pansin ng kalaban ang outside shooters.

“When he’s operating down low it opens up our shooters. It’s no coincidence we started hitting our threes after June Mar started scoring inside,” ayon kay coach Chot Reyes sa artikulong lumabas sa ESPN5 website. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?