73

Mar 9, 2020 @ 16:51
By

Fajardo dumaan sa mga kamay ni Fernandez

Nagkaroon pala ng usapang MVP sa MVP sina June Mar Fajardo at Ramon Fernandez.

Noong Linggo, March 8 nasungkit ni Fajardo ang kanyang 6th straight PBA MVP award habang nakasakay ng scooter sa PBA Leo Awards sa Smart Araneta Coliseum.

Matatandaang nagrerekober pa si Fajardo sa tinamong shin injury.

Pero batay sa tweet ni TV sports anchor Sev Sarmenta, bago naging mahusay na basketbolista ang “The Kraken” ay nai-mentor ito ni four-time MVP Ramon Fernandez.

“Photo from Ms. Karla Kintanar-Fernandez. El Presidente Mon Fernandez mentoring a young JuneMar Fajardo in the early 2000s. MVP to MVP talk!” sabi ni Sarmenta (@sportssev) nitong March 9.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?