57
views

By

Fajardo, Castro, Gilas Pilipinas babasagin ang Australia

Sharing is caring!

Babasagin ng Gilas Pilipinas at Australia ang pagkakabuhol sa 4-1 baraha sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers bukas (Hulyo 2) ng alas-7:30 ng gabi sa Philippine Arena.

Winner ng match ang mangingibabaw sa Group B, bibitbitin ang 5 wins sa second round. Parehong nasa Group F ang Filipinos at Australians sa second round sa Setyembre.

Nabuhayan ang Pilipinas, 84-69 losers noong Pebrero sa Melbourne, matapos masilat ng Japan ang Boomers 79-78 noong Biyernes din sa parehong araw na ibinaon ng Gilas ang dinayong Chinese Taipei 93-71.

Ibig sabihin ay kayang talunin ang Australians kahit may NBA players na Matthew Dellavedova at Thon Maker.

Isa pa ay nasa home court ang Gilas, kumpleto ang roster para maka-upset. Malaking bagay ang home crowd na inaasahang dadagsa sa Bocaue.

Isang bagay na ginawa ng Japanese, hindi nagpasindak sa mas malalaki at mas malalim na bench ng Australian squad. Kahit nakakapaglunsad ng runs ang Aussies para tapyasin ang deficit o itabla ang laro, nanatiling kalmado ang Japan. Mahigpit din ang depensa ng Japan sa buong laro, pinuwersa sa 34% field goal shooting lang ang Australia.

Sa unang enkuwentro, nagliyab sina Cam Gliddon at Kevin Lisch at ipinagdiinan ang puwersa sa ilalim ng paint kaya nadiskaril ang Filipinos na dumidikit pa sa first half.

Hindi naglaro noon sa Australia ang backcourt duo nina Jayson Castro at Terrence Romeo, pati sina big man Troy Rosario at backcourt spitfire Jio Jalalon.

Balik ang apat ngayon, mas malaki ang tsansa ng Pilipinas.

May pinagsamang 29 points sina Castro at Romeo sa latest win kontra Taipei, 13 of 21 combined sila mula sa field. May isang 3-pointer tungo sa 5 points at 3 rebounds si Rosario sa loob ng 16 minutes bilang back-up kay Japeth Aguilar.

Siguradong markado na rin ng Australians si June Mar Fajardo na may 22 points, 4 rebounds noong Biyernes. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?