14

Nov 16, 2020 @ 17:12
By

Fajardo busy sa livestream para sa mga sinalanta

Tuloy-tuloy ang pagkalap ng pondo ni June Mar Fajardo para maitulong sa mga hinagupit ng bagyong Ulysses.

Sa Facebook page ng six-time PBA MVP na AHOSgaming, nakalikom ito ng P24,745 na ido-donate sa mga nangangailangan.

Saad ni Fajardo, tatagal ang kanyang stream ng isang linggo at lahat ng kikitain doon ay itutulong sa mga nasalanta ng bagyo.

“Guys sa mga gustong magdonate ito po yong Gcash account: 09399229164,” ayon kay June Mar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?