736

Sep 27, 2021 @ 17:05
By

Faith wapakels kahit 40 taon agwat kay Albert

Hindi tumitingin sa edad si Faith da Silva pagdating sa pag-ibig.

Naitanong ito kay Faith, 20, sa “The Boobay and Tekla Show” kaugnay sa pagkaka-link niya sa 60-anyos na si Albert Martinez.

Naiugnay sila nang magkasama sa lock-in taping ng “Las Hermanas”, ang upcoming series ng Kapuso Network.

Ani Faith, komportable sila sa isa’t isa ni Albert at masaya siya na nakilala niya ito “in a deeper level”.

Sobra rin daw maalaga si Albert at sobrang guwapo.

Parehong April ang kanilang birthday ngunit 1961 isinilang si Albert habang si Faith ay 2001.

Nang tanungin kung posibleng magmahal siya ng lalaking mas matanda sa kanya, sinabi ni Faith na walang edad na pinipili ang pagmamahal basta wala kang tinatapakang tao ay go lang.

Si Faith ay isang “StarStruck 6” alumna at anak ng dating aktor na si Dennis da Silva, na nakakulong dahil sa kasong rape.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?