6,830

Jan 13, 2022 @ 20:56
By

Faith da Silva natulala kay John Lloyd

Inamin ni Faith da Silva na na-starstruck siya kay John Lloyd Cruz.

Nangyari ito nang maging guest si Faith sa bagong sitcom ni JLC na “Happy ToGetHer”.

Dagdag ni Faith, may mga nadiskubre rin siya tungkol sa aktor.

Noon pa raw kasi ay idolo na niya ito.

“What I discovered about him is that palabiro siya pagdating sa kunwari hindi pa namin take, pero pag ‘action’ na, as in nag-iiba ‘yung face niya, sobrang professional niya, saka ang gaan niyang makatrabaho,” tsika ng aktres sa news correspondent na si Nelson Canlas.

“Na-starstruck ako. Kasi, pagkatingin ko sa kanya, ang tangkad niya tapos, siyempre, cute siya — hindi naman natin mapagkakaila ‘yun — at saka kung pano siya gumalaw sa set, kung paano siya makipag-usap, makipaghalubilo sa mga tao. I really admire him for that,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?