157
elmo-magalona-janella-salvador
Feb 1, 2018 @ 16:48

‘My Fairy Tail Love Story’ nina Janella at Elmo, Rated G!

Good news sa mga fans ng tambalang Janella Salvador at Elmo Magalona o ‘ElNella’ dahil ni-Rated G ang love drama-fantasy movie nilang “My Fairy Tail Love Story” ng Movie And Television Review And Classification Board (MTRCB).

Ibig sabihin nito, lahat ay puwedeng manood ng pelikula, mapa-bata man o matanda, na papalaot sa Pebrero 14.

Masuwerte ang tambalang ElNella dahil sila ang pinagkatiwalaan ng Regal Films para sa Valentine offering ng kompaniya sa taong ito na “My Fairy Tail Love Story” sa direksiyon ni Perci Intalan.

Bukod kina Janella at Elmo, tampok din sa My Fairy Tail Love Story sina Kiko Estrada at Kiray Celis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?