35

Oct 24, 2017 @ 11:12

Failure of intelligence sa Marawi crisis, sinisilip

Kailangan umanong magkaroon ng assessment ang gobyerno hinggil sa nangyaring ilang buwang bakbakan sa Marawi City.

Ayon kay Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon, vice chairman ng House Committee on National Defense and Security, mahalagang matukoy kung mayroong failure of intelligence sa panig ng pamahalaan para mapanagot ang mga nagpabaya.

“If the Defense establishment says that there was no failure of intelligence but the only failure of appreciation of intelligence, shouldn’t somebody be held liable for that failure to appreciate?” pahayag ni Biazon.

Sa pamamagitan rin anya ng assessment ay malalaman kung ano ang maaring gawin upang hindi na maulit muli ang nangyari sa Marawi City.

Sabi ni Biazon, dapat ding masilip ang insidente nang pagkamatay ng ilang miyembro ng tropa ng pamahalaan sa mga friendly fire.

“Was it a failure in equipment? In leadership? In operations? In tactical training?” sabi ng kongresista.

“These and other questions and issues could not be taken up during the height of the conflict but now that the fighting is over, we must be prepared to search for answers, with the end in view of avoiding them in the future,” dagdag ni Biazon. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?