6,721

Failon, De Castro idinawit umano ni Drilon sa kaso ni Fullido

Sharing is caring!

Bukod sa kasong sexual harassment caae laban sa dalawang ABS-CBN executive, sinampahan din ng kasong libelo ni Gretchen Fullido ang news executive ring si Ces Drilon, Venancio Borromeo, at news reporter na si Marie Lozano.

Sa formal complaint na unang nakuha ng Manila Times, nag-ugat umano ang kasong libelo dahil sa pagsira ng reputasyon ni Fullido, at sinabing ginamit ang administrative complaint kina Favila at Asprec para mapatibay ang kanyang employment status sa TV network.

Sa naging imbestigasyon sa nasabing reklamo, nasabi umano ni Drilon na maging ang TV Patrol anchors na sina Ted Failon at Noli de Castro ay nagsi-side comment din sa katawan ni Fullido, na para kay Drilon ay maaari ring makita bilang sexual harassment.

“Gretchen’s accusations of sexual harassment against Chair (Favila) and Maricar (Asprec) also surprised me because many times, while I worked as anchor for TV Patrol, I witnessed [anchors] Ted Failon and Noli de Castro make side comments, in between breaks on TV Patrol, about Gretchen’s body, manner of dress, or behavior that, in my opinion, constituted sexual harassment or at least inappropriate behavior.”

Ayon din umano kay Drilon, maging si Gretchen ay nasabing handa raw ito na magsuot ng bikini para mapataas ang ratings ng TV Patrol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?