653

Dec 27, 2017 @ 19:29
By

Faeldon ‘sacred cow’ dahil alam ang ‘dark secrets’ ng Duterte family – Trillanes

Hindi na ikinagulat ni Sen. Antonio Trillanes IV ang pagbibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong puwesto kay dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Ayon kay Trillanes, kahit palpak si Faeldon, inaalagaan ito dahil hawak nito ang mga sikreto ng pamilya Duterte.

“Faeldon knows the dark secrets of the Duterte family that’s why, even if he is grossly incompetent, he remains a sacred cow,” sabi ni Trillanes,

Si Trillanes ang nagsabi na nasa “heart of the controversy” si Faeldon kaugnay ng paglusot sa Customs noong Mayo ng 600 kilograms na nagkakahalaga ng P6.4 bilyon.

Dismayado naman si Sen. Sherwin Gatchalian sa pagtatalaga kay Faeldon dahil ito aniya ang responsable kaya nakalusot sa BOC ang malaking shipment ng shabu.

Kinikilala umano niya ang poder ng Pangulo na magtalaga ng pinagkakatiwalaan pero sana ay nakita na hindi epektibong tagapamuno si Faeldon.

“I respect the decision of the president to appoint Faeldon. This is his prerogative,” ani Gatchalian.

“However, the president should understand that this person is absolutely ineffective in the Bureau of Customs and was primarily responsible for the lack of systems in deterring illegal drugs from coming through the ports of our own customs,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?