29
Masyadong sinungaling! Faeldon dapat parusahan - Drilon
By

Faeldon sabit sa GCTA scam – Drilon

Dapat umanong managot si dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon kaugnay ng kuwestiyonableng pagpapatupad sa kontrobersiyal ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law, ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon.

“For incompetence and neglect, I think Faeldon is responsible. But for the law itself, there is doubt thrown on the coverage or inclusion of the life termers in the GCTA Law,” pahayaga ni Drilon sa panayam ng mga reporters.

Hindi naniniwala si Drilon na mayroong “malicious intent” para malabag ang naturang batas na lumutang matapos ang pagbusisi sa napaulat na posibleng paglaya ng convicted rapist-killer at dating Calauan Mayor na si Antonio Sanchez.

“The confusion rose in the manner the law was crafted. That is why I am saying I am not prepared to say that there is a malicious intent to violate the law,” saad ni Drilon, dating kalihim ng Department of Justice nang nilitis ang kaso ni Sanchez noong dekada 90.

”But certainly, there is negligence when we hear all these anomalies that have nothing to do with the law,” dagdag nito.

Kaugnay nito, sinabi ni Drilon na dapat magkaroon ng ‘overhaul’ sa BuCor bunsod nang natuksalang iba’t ibang anomalya na kinasasangkutan mismo ng mga opisyal ng ahensiya.

“It only means that we must overhaul the BuCor as an immediate measure. We must review the structure of supervision,” ani Drilon.

Dapat din umanong ibalik sa DOJ ang kontrol at pagbantay sa BuCor bukod sa dapat magkaroon ng clearance mula sa Secretary of Justice bago palayain ang mga presong nahatulan ng reclusion perpetua o life imprisonment.

“I would favor that we return the power of control and supervision of the SOJ over the BuCor. In fact, one of the amendments that I will include is to put into the law Department Order 953 which requires the clearance or authority of the secretary of justice for releases of lifetime prisoners,” sabi ni Drilon.

“In general, I would return the control and supervision of the DOJ over the BuCor. Of course, you can provide all the legal restrictions but, at the end of the day, it is the people themselves who be running BuCor, who could throw a monkey wrench on all these laws that we’ve passed,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?