Faeldon, pinakakasuhan ng Ombudsman sa P6.4-B shabu shipment

Sharing is caring!

Inabsuwelto ng Ombudsman ang dalawang kapamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte, pero inirekomenda nitong kasuhan ng kriminal at administratibo si dating Customs chief Nicanor Faeldon kaugnay ng P6.4-billion shabu shipment.

Ayon sa Ombudsman, walang sapat na ebidensiya laban kina presidential son ex-Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at lawyer Manases Carpio kaya’t binasura nito ang pagkakaugnay ng dalawa sa nasabing smuggled shipment.

Samantala, sabit din sa pinasasampahan ng kaso sina dating Bureau of Customs officials Milo Maestrecampo, Larribert Hilario at Mary Grace Tecson-Malabed.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?