faeldon
By

Faeldon pansamantalang nakalaya sa Senado

Sharing is caring!

Nakalabas mula sa pagkakakulong sa Senado si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Alas-10 ng gabi ng Biyernes nang lumabas si Faeldon sa gusali ng Senado para puntahan ang live-in partner na manganganak anumang sandali sa isang ospital sa Tanay, Rizal.

Bantay-sarado ito ng mga tauhan ng Office of the Senate Sergeant-at-arms dahil nananatili itong nasa kustodiya ng Senado.

Ibabalik ito sa detensyon sa Senate building matapos ang 48 oras o hanggang Linggo ng gabi.

Si Faeldon ay na-contempt at ikinulong sa Senado mula noong Setyembre dahil sa pagtanggi na humarap sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee ukol sa smuggling ng 604 kilograms ng shabu at sa tarra system sa Bureau of Customs (BOC).

Ito ang namumuno sa Customs nung makalusot ang shabu at inakusahan ito ni Senador Ping Lacson ng pagtanggap ng “pasalubong” at regular na tara o lagay nung manungkulang commissioner ng BOC.  

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?