39
nicanor-faeldon
By

Faeldon palit kay Bato sa BuCor

Sharing is caring!

Kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang pagtalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon bilang bagong pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ito ay kasunod na rin ng otomatikong pagbibitiw sa pwesto ni BuCor Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa naghain na ng kandidatura sa pagka-senador.

Wala umanong pagtutol ang DOJ sa nasabing appointment ni Faeldon.

Pero umaasa raw ang kagawaran na ieendorso ng Civil Service Commission (CSC) ang pagkakahirang sa dating BOC Commissioner para pamunuan ang BuCor.

“The DOJ has interposed no objections to the proposed appointment of Mr. Faeldon, and is now seeking the favorable endorsement of the Civil Service Commission as part of the requirements under the Bureau of Corrections Act of 2013,” saad ni Guevarra.

Kaugnay naman sa pagbibitiw ni Bureau of Immigrations-Port Operations Division Chief at OIC-Associate Commissioner Mark Red Mariñas na tatakbo sa pagka-alkalde ng Muntinlupa City, sinabi ni Guevarra na kanyang itinalaga si Atty. Jose Mari Ronaldo Ledesma bilang OIC-Associate Commissioner at si Atty. Grifton Medina bilang acting chief ng Ports Operation Division.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?