Faeldon nag-report na sa trabaho sa OCD

Sharing is caring!

Nagsimula na sa kanyang trabaho bilang deputy for operations ng Office of the Civil Defense (OCD) si dating Bureau of Customs (BuCor) Chief Nicanor Faeldon.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Romina Marasigan, alas-otso ng umaga kanina nang dumating sa tanggpan ng OCD sa loob ng Camp Aguinaldo sa Quezon City si Faeldon.

Ipinatawag agad nito ang mga opisyales at empleyado ng OCD partikular ang mga nasa operation centers para pormal na makilala at pagkatapos ay nagpulong tungkol sa Task Force Bangon Marawi.

Sinabi naman ni Marasigan na malaking tulong sa kanilang operasyon ang pagkakatalaga ni Faeldon sa kanyang posisyon dahil naniniwala siyang mas maraming tao sa isang unit, mas marami ang mag-iisip para sa ikagaganda ng operasyon.

Si Faeldon ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Disyembre 22, 2017 at nanumpa sa tanggapan ng OCD nitong Enero 16, 2018.

Hindi ito agad nakaupo sa kanyang puwesto nang makulong dahil sa hindi pagdalo sa mga isinagawang pagdinig ng Senado na may kinalaman sa kontrobersiyal na P6.4 bilyong shabu shipment mula China na naging dahilan ng kanyang pagbitiw bilang BuCor chief. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?