20
ABANTE comissioner faeldon labas senado
By

Faeldon makakalabas na ng Senado dahil sa manganganak na partner

Sharing is caring!

Bilang humanitarian consideration, papayagan ng Senado na makalabas si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon mula sa pagkakakulong sa Senado kapag nanganak ang partner nito na inaasahan anumang araw.

Ayon kay Retired General Jose Balajadia, Sergeant-at-Arms ng Senado, pumayag si Senador Richard Gordon, chairman ng Senate blue ribbon committee, na mapuntahan ni Faeldon ang kanyang partner.

May verbal order na natanggap si Balajadia buhat kay Gordon na idinaan kay Blue ribbon secretary-general Atty. Rudy Quimbo.

Hindi pa binabawi ng Senado ang contempt kay Faeldon kaya bantay-sarado ito ng mga tauhan ni Balajadia kapag nagtungo sa ospital ng kanyang kinakasama at kahit saan pa tumungo.

Sa Twitter account ng legal team ni Faeldon, inihahayag ang pasasalamat nito kay Gordon.

“Maraming salamat po SBRC Richard J. Gordon for your decency and compassion. Masasaksihan ko na ang pagsilang ng aking anak, mayayakap ko ang mga mahal ko sa buhay, makakapag-oath taking na ako sa DND-OCD as Deputy Administrator III at makapagpapapagamot na ako sa aking cardiologist,” sabi ni Faeldon. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?