52

Dec 17, 2018 @ 18:05
By

Faeldon Jr. walang VIP treatment – PNP

Tiniyak ni PNP Chief Oscar Albayalde na ordinaryong pagdedetine ang turing kay Nicanor Faeldon Jr., anak ni Bureau of Corrections Director General Nicanor Faeldon.

Aniya, hindi VIP ang turing kay Faeldon Jr., simula nang maaresto ito sa isang drug den sa Naga City noong nakaraang Biyernes.

Idinagdag pa ni Albayalde, wala rin hirit ang nakakatandang Faeldon para bigyan ng ‘special treatment’ ang kanyang anak sa kulungan.

Tiwala ang hepe ng pambansang pulisya na pangangatawanan ni Faeldon ang pahayag na hindi ito sasawsaw sa kaso ng anak at hindi niya ito kukunsintihin.

Kaugnay naman sa negatibong resulta sa drug test ni Faeldon Jr., sinabi ni Albayalde na hindi naman sa paggamit ng droga ang kaso nito, kundi ang sinasabing pagmintina ng drug den.

Aniya bahala na ang korte na magdesisyon sa kaso.

“It is not on the result of the drug test which he is being charged, but he will be given due process,” sabi ni Albayalde.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?