27
ABANTE faeldon sc kinuwestyon
By

Faeldon hindi pa nagpapakita sa BuCor

Sharing is caring!

Halos isang buwan matapos maitalaga bilang pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor), hindi pa rin pumapasok sa kanyang bagong assignment si BuCor Chief Nicanor Faeldon.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra, naipaalam na niya ito kay Executive Secretary Salvador Medialdea noong magkaroon ng Cabinet meeting nitong Martes.

“(Faeldon) has not shown up or said anything,” saad ni Guevarra.

Bilang tugon, sinabi raw ni Medialdea na ipapaalam niya ang nasabing bagay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag ni Guevarra, hindi makakaganap ng normal na trabaho ang BuCor nang walang director general.

Aniya, bagama’t nagtalaga siya ng officer-in-charge, may mga bagay na hindi ito maaring gampanan, at ang tanging tinututukan lamang nito ay ang pang-araw araw na gampanin o trabaho sa BuCor.

“Only a director can sign important contracts, procure materials of substantial value, do personnel movements, etc,” dagdag ni Guevarra.

Para pansamantalang mamuno sa BuCor, hinirang muna ni Guevarra si BuCor Deputy Director General Melvin Ramon Buenafe bilang officer-in-charge ng ahensya.

Ang BuCor ay ahensyang nasa ilalim ng pangangasiwa ng DOJ.

Matatandaan na nagbitiw si Faeldon bilang pinuno ng Bureau of Customs (BOC) dahil sa isyu ng P6.4 billion na shabu shipment na nakapuslit umano sa BOC noong nakaraang taon.

Mula sa BOC, umupo naman si Faeldon bilang Deputy Adminsitrator for Operations ng Office of the Civil Defense.

Noon namang October 12, itinalaga siya ni Pangulong Duterte bilang BuCor Chief kapalit ni dating PNP Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa na naghain ng certificate of candidacy sa pagka-senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?