1,407
ABANTE faeldon sc kinuwestyon
By

Faeldon gustong mag-leave of absence dahil sa anak na nahuli sa drug raid

Sharing is caring!

Handang iwan pansamantala ni Bureau of Corrections chief Nicanor Faeldon matapos mahuli ang anak sa isang drug operation sa Naga City.

Saad ng Department of Justice spokesman na si Markk Perete, sinabi ni Faeldon na siya’y magli-leave hanggang iniimbestigahan pa ang kaso.

“He has offered to go on leave while the matter is under investigation. Law enforcers are conducting investigation on the incident and we await the outcome of such investigation,” pakli ng DOJ spokesman sa mga reporter.

Ngunit hindi ito kaagad inaprubahan o nirekumenda ng DOJ at pag-aaralan muna ang suhestiyon ni Faeldon.

“The Department will have to study the matter, taking into consideration a number of facts, among which are: the Chief has just been recently appointed, and the independence and integrity of the investigation on the matter is not likely to be affected by his stay in the BuCor,” ani pa Perete.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?