362
nicanor-faeldon
Aug 22, 2019 @ 14:26
By

Faeldon: Ex-Calauan Mayor Sanchez, hindi pa siguradong makakalaya

Nilinaw ni Bureau of Corrections director general Nicanor Faeldon na maaaring hindi maging kuwalipikado para mapalaya si convicted rapist-murderer ex-Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Paliwanag ni Faeldon, ito umano ay dahil nakabinbin pa ang pagrebyu sa good conduct time allowance ng dating alkalde.

Aniya, may mga pagkakataon umano na nakakumpiska ng droga at kontrabando sa selda ni Sanchez.

“Maaaring hindi mag-qualify si Sanchez na makalaya sa susunod na mga buwan dahil may pagkakataon na hindi maganda ang pag-uugali nito sa loob ng kulungan at may mga iba pa siyang kinakaharap na kaso,” wika ni Faeldon.

Si Sanchez ay nahatulan ng pitong reclusion perpetua o katumbas ng 360-taong pagkakabilanggo noong 1995 ng Pasig Regional Trial Court Branch 70 kaugnay ng panggagahasa at pagpatay sa estudyante ng UPLB na si Eileen Sarmenta pati na sa pagpaslang sa nobyo ng babae na si Allan Gomez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?