98

By

Faeldon, ex-BOC officials ‘di pa lusot sa drug smuggling case – Gordon

Sharing is caring!

Kahit inabswelto ng Department of Justice (DOJ), hindi pa “off the hook” sa P6.4 billion-drug smuggling case si Nicanor Faeldon at mga naging kapwa opisyal sa Bureau of Customs (BOC).

Sinabi ni Senador Richard Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, na hihilingin nila sa Office of the Ombudsman (Ombudsman) na imbestigahan sina Faeldon para masampahan ng kaukulang kaso.

Ipadadala raw niya ang inakda niyang Blue ribbon report ukol sa inimbestigahan nilang smuggling ng 604-kilograms ng shabu kung saan rekumendadong imbestigahan at kasuhan para sa kapabayaan at posibleng katiwalian si Faeldon at iba pang naging opsyal ng BOC.

Sa nasabing report, na opisyal nang inihain ni Gordon sa plenaryo ng Senado nitong Lunes, 12 senador ang lumagda bilang pagsang-ayon sa pagkakabuo ng committee report – sina Senador Gordon, Sonny Angara, JV Ejercito, Sherwin

Gatchalian, Gregorio Honasan, Manny Pacquiao, Loren Legarda, Juan Miguel Zubiri, Cynthia Villar, Tito Sotto, Chiz Escudero at Ralph Recto.

Nag-abstain si Senate minority leader Franklin Drilon dahil hindi pa raw niya nababasa ang report.

Ayon kay Gordon, hindi niya matanggap ang pag-absuwelto ng Customs sa lahat ng naging opisyal ng BOC dahil wala pa naming pinal na ebidensya na magpapakiwa na wala silang kinalaman.

“I disagree, partly, in the Department of Justice’s findings. There is yet no final evidence to establish that Customs personnel are not in any way liable for the importation of drugs and on its entry into the green lane,” diin ni Gordon.

Ipagpapatuloy naman aniya ng Blue Ribbon committee ang imbestigasyon sa tara system o sistema ng kotongan sa BOC kung saan tinutunton ang mga nangongotong at naglalagay sa mga taga-BOC para makapagpuslit ng kontrabando gaya ng shabu. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?