63

Jan 29, 2020 @ 17:00
By

Faeldon dapat kasuhan sa ‘GCTA for sale’ scheme – Gordon

Dapat umanong kasama si dating Bureau of Correction chief Nicanor Faeldon sa mga kinasuhan kaugnay ng kontrobersiya sa ‘good conduct time allowance (GCTA) for sale’.

Ito ang sinabi ni Senador Richard Gordon kasabay ng pagpuri sa desisyon ng Office of the Ombudsman na sibakin ang tatlong opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) na sangkot sa naturang kontrobersiya.

“That’s a good move but there are others that should be involved. ‘Yung malalaki dapat maisama ‘yan,” pahayag ni Gordon sa panayam ng mga reporter.

Si Gordon ang chairman ng Senate blue ribbon committee ang nanguna sa pag-imbestiga sa kuwestiyonableng implementasyon ng GCTA law noong nagdaang taon.

Bukod kay Faeldon, sinabi ni Gordon na dapat ding usigin ng Ombudsman ang mga doktor at legal chief na pumayag sa mga high-profile na mga preso na makalabas ng New Bilibid Prison (NBP).

“’Yung malalaki dapat ma-prosecute ‘yan. I’m talking about Faeldon, halimbawa, strike two na siya diyan,” sabi ni Faeldon.

“‘Yung mga doktor na nagpapalabas ng tao, dapat ma-prosecute. Yung legal chief, isa pa yan,” dagdag pa nito.

Sa 16 pahinang desisyon, sinibak ng Ombudsman sa serbisyo sina BuCor Documents Section Chief Ramoncito Roque, at BuCor officials na sina Maribel Bancil at Veronica Buño.

Napatunayan ng Ombudsman na guilty ang tatlo sa “grave misconduct and conduct prejudicial to the best interest of the service”.

Bukod sa dismissal, pinagbawalan din ang tatlo na muling kumuha ng pagsusulit sa civil service at disqualify na din ang mga ito sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?