16

By

Fadullon itinalaga ng DOJ na bagong pinuno ng NPS

Sharing is caring!

Mayroon nang hinirang na bagong Officer-in-Charge Prosecutor General si Justice Secretary Menardo Guevarra.

Ito ay sa katauhan ni Senior Deputy State Prosecutor Richard Fadullon.

Sa ilalim ng Department Order No. 384 na pirmado ni Guevarra, binibigyan niya ng kapangyarihan si Fadullon na gumanap ng kapangyarihan at mandato ng tanggapan ng pinuno ng National Prosecution Service (NPS)

Itinalaga si Fadullon matapos na bitiwan ni Dating OIC Prosecutor General Jorge Catalan ang nasabing pwesto para tutukan ang kanyang posisyon bilang Chief Prosecutor ng Makati City.

Sa isang pahayag, sinabi naman ni Fadullon na nagpapasalamat siya sa pagkakatalaga sa kanya kasabay ng paghingi ng panalangin sa pagharap niya sa mga tungkulin.

Ayon kay Fadullon, maraming mga isyu na kailangang tugunan sa NPS at kasama na rito ang mga insidente ng pagpatay sa mga piskal na hindi pa rin nalulutas.

Kasama rin umano sa nais niyang tutukan ang pagpapahusay sa propesyunalismo sa NPS nang sa gayon ay muling manumbalik ang suporta ng publiko sa piskalya, sa DOJ at sa sistema ng katarungan sa bansa.

“Moving forward, there are a lot of concerns that we have to look into and address as far as the national prosecution service is concerned. Among them are the spate of killings of prosecutors that have remained unresolved. In the meantime, we will focus all efforts towards professionalizing the NPS and increasing the efficiency of our prosexutors. Hopefully, this will renew the trust of the people in the NPS, the DOJ.and the entire justice system,” saad ni Fadullon.

Ilan sa mga hinawakang kaso ni Fadullon ay Ampatuan massacre, Oakwood mutiny, at pag-usig sa plunder case laban kay Dating Pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada. /

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?