187
ched
Dec 25, 2017 @ 14:20
By

Faculty scholars ng CHED, makakatanggap na ng allowance

Nahuli man sa Pasko, abot naman sa Bagong Taon ang naantalang allowances ng college faculty ng Commission on Higher Education (CHED) kaugnay ng K to 12 Transition program.

Ayon kay Iligan City Rep. Frederick Siao, sinabi ni CHED Chairperson Patricia Licuanan, na matatanggap na ng 2,152 teachers ang kanilang buong allowances sa Disyembre 29.

Para naman sa 1,011 iba pa, makukuha nila ang partial release sa Enero 5. Pero meron pa aniyang 933 na nakabinbin pa sa CHED regional offices.

“CHED has admitted it was swamped by the over 11,000 sets of documents from 9,500 faculty scholars of their historic K to 12 Transition program,” sabi ni Siao.

Nagpasalamat naman ang kongresista sa pag-aksyon ng CHED matapos nitong kalampagin sa panawagan sa mga guro.

Nangako rin si Siao na tutulungan ang ahensya para matugunan ang mga kahinaan nito at mas maging episyente.

“CHED has to do much better than it has so far. The transition impact of senior high on our colleges and universities will be felt for about three to five years after the current school year,” dagdag ng mambabatas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?