1,459

By

Factory worker natusok ng metal spikes, himalang nabuhay

Nakaligtas sa kamatayan ang isang lalaking Chinese matapos matusok ng 10 malalaking metal spikes sa kanyang braso at dibdib habang nagtatrabaho.

Agad isinailalim sa emergency surgery ang 49-anyos na lalaki kung saan isa-isang tinanggal sa katawan nito ang matulis na bakal na may isang talampakan ang haba at 0.59 pulgada ang taba.

Ayon sa report, tinamaan umano ang biktima ng makina na bigla na lamang nag-collapse sa kanyang pinatatrabahuhang factory.

Sa ngayon ay stable na umano ang lagay ng biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?