211
Factory worker nalunod sa Zambales
By

Factory worker nalunod sa Zambales

Isang 35-anyos na factory worker ang nasawi matapos na malunod sa isang popular na tourist spot sa San Antonio, Zambales noong Sabado de Gloria.

Nasa isang beach outing umano si Pjay Chavarria, residente ng Barangay Manggahan sa bayan ng Subic, kasama ang pamilya sa Nagsasa Cove sa Barangay Pundakit sa Zambales nang malunod ito habang lumalangoy bago magtanghali.

Ayon sa kapulisan, dalawang turista ang sinubukang iligtas ang biktima ngunit nabigo ang mga ito.

Isa ang Nagsasa sa mga secluded coves sa naturang bayan na dinarayo ng mga turista tuwing summer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?