141

Dec 26, 2017 @ 15:20

‘Faceless’ P100 bills iimbestigahan ng BSP

Iimbestigahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang lumabas na P100 bills na walang mukha ni dating Pangulong Manuel Roxas.

Ang “faceless” P100 bills ay ipinost sa Facebook page ng isang Earla Anne Yehey.

Ayon kay BSP Governor Nestor Espenilla Jr. kanilang kinokontak ang babaeng nag-post ng bill para makuha ito at masiyasat kung bakit walang mukha ni Roxas ang nasabing P100 bills.

Itinag pa ni Earla Anne ang BSP at Bank of Philippine Islands kung saan na-withdraw ang nasabing pera.

Ang nasabing post ay umani ng 25,000 reaksiyon at 20,355 shares.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?