73

Dec 28, 2017 @ 16:34

‘Faceless’ P100 bills dahil sa printing glitch – BSP

Sumablay diumano ang makina kaya nagkaroon ng “rare misprint” na nagresulta sa pagkabura ng mukha ni dating Pangulong Manuel Roxas sa P100 bill, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Pero giit ni BSP managing director for currency management Carlyn Pangilinan, “isolated” ito at inabisuhan ang mga may hawak ng P100 bills na papalitan na lang sa mga legal tender sa central bank offices.

“In this particular case, the BSP has identified the mechanical cause of the said erroneous printing. It has since be resolved,” pahayag ni Pangilinan sa mga reporters she said.

“In the manufacturing and production process, there are cases where machine errors cause rare misprints,” dagdag nito.

Nitong nagdaang linggo, isang netizen ang nag-post sa litrato ng apat ng P100 na walang face design, na aniya’y kanyang na-withdraw sa Bank of the Philippine Islands ATM.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?