36

Dec 25, 2017 @ 15:03

Facebook tatapatan ang donasyon na malilikom para sa mga biktima ng bagyong Vinta

Nanawagan sa kanilang users ang social media giant na Facebook para sa tulong sa mga nasalanta ng bagyong Vinta sa Mindanao.

Binayo ang ilang lugar sa Mindanao ng bagyong Vinta na sa inisyal na report ay nag-iwan ng 164 patay habang 171 pa ang nawawala, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Nakatakda pang berepikahin ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang nasabing bilang.

Ipinadala ni Sheryl Sandberg, chief operating officer (CEO) ng Facebook, sa kanyang FB page ang pakiusap na donasyon sa pamamagitan ng GlobalGiving, isang nonprofit global crowdfunding community.

Dagdag pa niya, tutumbasan ng Facebook ang donasyon na malilikom sa GlobalGiving ng hanggang $500,000. Target na malikom ng GlobalGiving ang kabuuang $1,000,000.

Ani Sandberg, My heart goes out to everyone affected by Typhoon Tembin, known as Vinta in the Philippines, where already more than 100 people have died or been displaced. Safety Check has been activated so people can let friends and family know they’re safe. Facebook is also matching donations up to $500,000 to GlobalGiving to support people there who need it most.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?